Project Development Objectives ng PRDP, nalampasan pa sa kalahating bahagi ng implementasyon nito ayon sa DA

30

Nalampasan na umano ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang Project Development Objectives sa ilalim ng Philippines Rural Development Project (PRDP).

Ayon kay PRDP Director Shandy Hubilla, maituturing itong tagumpay dahil nasa kalagitnaan pa lang sila sa itinakdang pagkakumpleto ng mga proyekto.

Isa sa Project Development Objectives ay nakatuon sa pagpapataas ng 30% kita ng mga kasambahayan ng mga magsasaka at mangngisda sa 78 na probinsya.

Ayon kay Hubilla, 945 na enterprises ang nakinabang sa 2-B sa ilalim ng unang PRDP additional financing.

Dahil dito, nagawa nilang maitaas ng 36% ang household income ng mga magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments