PROJECT H20 NG 1ST IPMFC, PATULOY NA UMAARANGKADA

Cauayan City, Isabela- Umaarangkada pa rin sa Lalawigan ng Isabela ang nasimulang inisyatibo ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company o IPMFC na Project H2O o ang “Handog Patubig ay para sa inyO”.

Sa panayam ng 98. 5 iFM Cauayan kay Lt Col. Jeffrey Raposas, Force Commander ng 1st IPMFC, kasalukuyan aniya ang kanilang pagsasagawa ng proyekto sa Brgy Dibuluan sa bayan ng San Mariano, Divilacan at San Pablo, Isabela kung saan malapit na rin itong matapos.

Katuwang aniya nila dito ang iba’t-ibang sangay ng gobyerno at ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa Force Commander, ang naturang proyekto ay tulong nila sa mga residenteng nasa malalayong lugar na salat sa tubig na dati nang dinadaanan ng mga rebelde.

Mula nang ilunsad ang inisyatibong Project H20, mayroon ng dalawang barangay ang natapos na kinabibilangan ng Brgy. Daragutan West sa San Mariano at brgy. Villa Imelda sa City of Ilagan.

Samantala, inaasahan sa susunod na buwan ay ipapasakamay na sa mga barangay ang nasabing proyekto para mapakinabangan na ito ng mga residente.

Facebook Comments