Pinangunahan ito ni PLTCol Ednalyn B Pamor, Force Commander ng CMFC, kasama sina PLt Mosby Melanie Ramos, Platoon Leader ng 2nd Platoon, PMaj Fedimer G Quitevis, OIC ng Community Affairs and Development Unit ng SCPO sa ilalim ng pamumuno ni PCol Reynaldo SG Dela Cruz, City Director ng Santiago City Police Office at kinatawan ng Regional Police Community Affairs and Development Group.
Napiling hinandugan ng Solar Lamp ng kapulisan sina Mr. and Mrs. Prudencio Valencia at Mr. and Mrs. Angelito Castillo na parehong residente ng Brgy. Bannawag Norte, Santiago City.
Layon ng proyektong ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga pamilyang hindi pinalad na magkaroon ng koneksyon ng kuryente at hindi maabot ng serbisyo ng Isabela Electric Cooperative II (ISELCO).
Ito ay para mabigyan din ng liwanag ang tahanan ng pamilyang mabibiyayaan nito lalo na sa mga may batang pinag-aaral at masiguro rin ang kanilang kaligtasan lalo na tuwing gabi.
Ang proyektong ito ay bahagi ng programa ng gobyerno na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na naglalayong maiwasan ang pagdalaw ng mga makakaliwang grupo sa mga liblib na lugar na nananamantalang manghikayat tuwing pagsapit ng gabi.
Kaugnay nito, patuloy pang magsusumikap ang mga kapulisan ng lungsod para mapatibay pa ang relasyong ugnayan ng mga kapulisan sa komunidad.