Estudyante, Timbog sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

28
Cauayan City, Isabela- Natimbog ng kapulisan ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) at Tuguegarao City Police Station ang isang estudyante sa ikinasang drug buy-bust operation sa Langka St., San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan.

Nakilala ang suspek na si Daryll Jake Narte, 21-anyos, residente rin ng nasabing lungsod.

Si Narte ay kabilang sa listahan ng mga Street Level Individuals ng Lungsod.

Tuluyang dinakip si Narte matapos nitong mabentahan ng isang pakete ng hinihinalang “shabu” ang isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ng isang libong piso.

Nakumpiska naman sa pag-iingat ng suspek ang lima (5) pang pakete ng hinihinalang “shabu”, isang unit ng cellphone at ang pera na ginamit na buy bust money.

Tinatayang aabot sa humigit-kumulang sampung libong piso ang halaga ng mga narekober na kontrabando.



Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tuguegarao City Police Station si Narte at siya ay nahaharap sa kasong paglabag ng Sections 5 and 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments