Cauayan City, Isabela- Isinagawa ng 1st Quirino Provincial Mobile Force Company ang kauna-unahang Project L. I. G. H.T (Libreng Ilaw Galing sa puso Hatid ng Tropa) sa Brgy. San Benigno, Aglipay, Quirino kamakailan.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Lieutenant Colonel Eugenio Mallillin, Force Commander ng 1st Quirino PMFC kasama ang Company Advisory Group (CAG).
Ayon kay Lt Col Mallillin, layunin ng proyekto na magbigay liwanag sa tahanan ng bawat benepisyaryo.
Ang mga naipamahaging gamit ay mula sa nalikom sa isinagawang Fun Bike for a Cause ng 1st Quirino PMFC kung saan anim na residente ng nasabing barangay ang mapalad na nabiyayaan ng mga solar lights.
Dahil dito, labis na tuwa at taos-pusong nagpapasalamat ang mga benepisyaryo ng mga solar lights sa PNP.
Ito din ay alinsunod sa programa ng NTF-ELCAC na mapalapit ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan ng Rehiyon Dos.
Facebook Comments