‘PROJECT LATA’, Inilunsad ng Cagayan PPO at Rotaract Club para sa mga Mag-aaral

Cauayan City, Isabela-Inilunsad ng Rotaract Club of Tuguegarao Citadel at Cagayan Police Provincial Office ang ‘Project LATA: Latang Alkansiya, Tulong/Ayuda (LATA) para sa mga mag-aaral’ na layong tulungan ang mga mag-aaral sa pagtugon sa new normal.

Ito ay sa kabila ng nararanasang krisis ng buong mundo laban sa COVID-19 Pandemic sa lahat ng sektor ng lipunan.

Sa mga nakalipas na buwan, ang Rotaract sa pakikipagtulungan ng Cagayan Police Provincial Office ay nakapagbigay ng importansya sa proyekto sa usapin ng education sector na higit na magbebenepisyo ang mga batang mag-aaral.


Ipupwesto naman ang LATAs 29 na iba’t ibang istasyon ng pulisya at division sa ilalim ng CPPO habang maiipon na pera sa bawat police stations ay mapupunta sa mga mag-aaral o paaralan para sa reproduction ng self-learning module.

Ayon kay Mark Djeron Tumabao, Presidente ng Rotaract Club of Tuguegarao Citadel, magbibigay naman ang naturang organisasyon maging ang CPPO ng award sa mga police station na may pinakamalaking maiipon sa kanilang mga lata.

Nabatid na buwan pa sa sana ng Marso inilunsad ang naturang proyekto ngunit dahil isinailalim sa Enhance at General Community Quarantine ang probinsiya bilang pag-iingat sa virus, ito ay pansamantalang sinuspinde.

Facebook Comments