Cauayan City, Isabela- Umarangkada ang proyekto ng Department of Education (DepEd) Region 2 na Project PAGE (Public Affairs for Good Governance in Education) na layong mapalawak pa ang pagbibigay impormasyon at maayos na komunikasyon sa usapin ng edukasyon sa lahat ng mga stakeholders.
Ayon kay Amir M. Aquino, Head ng Public Affairs Unit at Spokesperson ng DepEd Region 02 na siyang proponent ng nasabing proyekto, ito ang kauna-unahang inilunsad na PAU (Propelling Action and Understanding) na programa sa buong bansa na tinawag na PROJECT PAGE dito sa Rehiyon Dos.
Paliwanag ni Aquino na isa itong proyekto ng Public Affairs Unit of DepEd Regional Office 02 upang palakasin ang kanilang Public Affairs, Communication and Information (PACI) na inisyatibo at mekanismo sa kanilang opisina.
Kasabay nito ay nananatiling buo ang suporta ni DepED Regional Director Benjamin D. Paragas sa nasabing proyekto dahil kinikilala nito ang kahalagahan ng tama at napapanahong impormasyon.
Ito ang kauna-unahang PROJECT PAGE sa buong bansa na inilunsad ng DepED Region 2.