Cauayan City – Tagumpay na nailunsad ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company (1st IPMFC), ang isang seminar workshop sa Isabela State University, Ilagan Campus.
Ang nabanggit na seminar ay sa tinatawag na Project White and Red Area Anti-Insurgency Lecture and Other Laws kung saan ang nakibahagi rito ang mag-aaral ng Information and Communications Technology (ICT).
Kabilang sa mga tinalakay sa seminar ay ang usapin tungkol sa banta ng Communist Terrorist Group (CTG), RA 9165 o ang Comprehensive and Dangerous Drugs Act of 2002, RA 11313 o ang Safe Spaces Act, at RA 9262 o ang Violence Against Women and their Children Act.
Layunin ng seminar na magbigay kaalaman sa mga mag-aaral patungkol sa mga nabanggit na usapin upang sila ay mas maging responsable pa bilang mag-aaral at mamamayan.
Patuloy ang 1st IPMFC sa pagsasagawa ng ganitong mga aktibidad upang ihanda ang mga kabataan bilang aktibong bahagi ng komunidad.