Projected COVID-19 case sa bansa ngayong Agosto, posibleng mabawasan nang 50,000 hanggang 70,000 dahil sa muling pagpapatupad ng MECQ

Maaaring mabawasan ng 50,000 hanggang 70,000 ang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) ngayong Agosto dahil sa muling pagpatutupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba pang kalapit na lugar.

Ayon kay Professor Ranjit Rye ng University of the Philippines-OCTA research team, maaaring umabot sa 220,000 ang COVID-19 cases sa katapusan ng Agosto kung mananatili ang bansa sa General Community Quarantine (GCQ).

Aniya, malaki ang magiging impact ng MECQ sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa at mapigilan ang mabilis na transmission ng virus.


Sa kabila nito, hinikayat ni Rye ang publiko na huwag nang lumabas at palagiang mag-physical distancing.

Kasabay nito, sinabi ni Professor Guido David ng UP Researchers na babaguhin nila ang kanilang projection sa bilang ng COVID-19 infections sa bansa sa katapusan ng Agosto.

Pinuri ni David ang mabilis na aksyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kahilingan ng frontliners na magkaroon muna ng ” time out ” at higpitan na muna ang quarantine sa Metro Manila.

Facebook Comments