PROKLAMADO | Mga nanalong kandidato sa Barangay at SK elections – naiproklama na lahat ng Commission on Elections

Manila, Philippines – Naiproklama na ng Commission on Elections ang lahat ng mga nanalo sa May 14, 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, 100 porsyento nang naiproklama ang mga nagwaging kandidato mula sa 42,044 na mga barangay sa buong bansa.

Una nang sinabi ng COMELEC na walang naideklarang failure of elections sa nasabing halalan.


May ilan lang umanong mga barangay na na-delay ang pagsisimula ng eleksyon pero natapos din agad kalaunan at naiproklama din ang mga nagwaging kandidato.

Kaugnay nito, ipapatawag naman ng kamara si DILG Usec. Martin Diño kaugnay sa paratang niyang vote buying sa may isang libong mga opisyal ng gobyerno kung saan 100 sa mga ito ay Kongresista.

Ayon kay Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu – hindi lamang ang mga Kongresita ang sinisiraan ni Diño kundi ang buong institusyon ng Kamara.

Hamon ni Abu sa DILG Official, pangalanan ang mga sinasabi niyang Kongresista at maglabas ng ebidensya laban sa mga ito.

Facebook Comments