MANILA- Sa susunod na linggo target ng kongreso na maiproklama ang mga nanalo sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.Sa interview ng RMN kay Marikina City 2ndDistrict Rep. Miro Quimbo, ipinaliwanag niya na mas maganda kung mapapadali ang proklamasyon para maiwasan ang anumang espekulasyon.Kaugnay nito, pinaburan ni Sen. Sonny Angara, member ng Senate Panel Canvassing Committee ang paghihiwalay ng pagbibilang ng boto sa presidente at bise presidente.Sa interview kay Angara, nilinaw nito na hindi naman bawal ang hiwalay na canvassing sa presidential at vice presidential pero kailangan ng sapat na dahilan para gawin ito.Giit pa ni Angara, bilang board of canvassers, tungkulin nilang tiyakin kung tama ba ang mga nakasaad sa certifiate of canvass at kung tumutugma ang election returns na pinadala sa mga vote counting machine.Samantala, iginiit naman ni House Majority Floor Leader Neptali Gonzales II na mayroon lamang iisang COC ang pangulo at bise presidente.
Proklamasyon Ng Nanalong Pangulo At Pangalawang Pangulo, Target Sa Susunod Na Linggo
Facebook Comments