Proklamasyon sa mga nanalong senador, mauuna kaysa sa mga nanalong partylist group

Posibleng sa susunod na linggo ay maiproklama na ang mga nanalong senador.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesman Atty. Rex Laudiangco, mas maaga ang magiging proklamasyon sa mga nanalong senador kaysa sa partylist groups.

Ito ay dahil may formula aniya sa pag-compute sa total votes na makukuha ng bawat partylist, alinsunod sa Party-list Act.


Alinsunod sa batas, 63 seats ang nakalaan sa Kongreso para sa partylist groups.

Ayon pa sa COMELEC, magiging proportionate ang pamamahagi ng seats para sa party-list groups.

Samantala, nilinaw naman ng poll body na magiging limitado lamang ang papayagan nila na maaaring isama ng mga ipo-proklamang senador para matiyak na masusunod ang minimum public health protocols.

Facebook Comments