Promotion ni Mayor Sara Duterte bilang Reservist Colonel ng Philippine Army at iba pang opisyal ng AFP, pinagtibay ng Commission on Appointments

Inaprubahan ng Commission on Appointments ang promosyon sa ranggong Colonel nina Davao City Mayor Sara Duterte at Congressman Isidro Ungab bilang Reserve Officer ng Philippine Army.

Sa kanilang pagsalang sa confirmation hearing ay naungkat ang isyu ng pag-alis kay Ungab bilang Chairman ng House Appropriations Committee.

Sagot nina Ungab at Mayor Sara, wala silang alam doon.


Tinanong din kay Mayor Sara kung bakti takot sa kanya ang ama.

Sagot naman ni Mayor Sara, nasa isip lang yun ng Pangulo kasabay ang pagtiyak na palagi niyang sinusuportahan ang mga desisyon nito.

Kasama ding lumusot sa CA ang promotion ng mahigit 20 pang opisyal ng Armed Forces of the Philippines kabilang si Navy Chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo.

Facebook Comments