‘PROOF OF CONCEPT’ | PSA, magsasagawa ng trial period para sa National ID System

Manila, Philippines – Magsasagawa ang gobyerno ng anim na buwang ‘proof of concept’ o trial period para sa Philippine Identification System (PhilSys) bago matapos ang taon.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) National Statistician Lisa Bersales – ipa-prayoridad ang mga milyu-milyong benepisyaryo ng unconditional cash transfer program.

Layunin aniya ng trial period na malaman ang end-to-end process ng National ID System.


Sa ilalim ng proseso, magkakaroon ng test, registration, validation bago mag-isyu ng Philippine ID o National ID Card.

Makikipag-ugnayan ang PSA sa Philippine Postal Corporation at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa trial period.

Sa ngayon, kailangan pang bumili ng PSA ng mga kagamitan para sa proof of concept.

Sa susunod na taon naman, ang PSA ay magsasagawa ng vulnerability assessment and penetration testing para matiyak ang privacy ng mga mamamayan.

Ang procurement para sa buong Philippine ID System ay magsisimula sa Pebrero ng susunod na taon.

Target ng PSA na magkaroon ng limang milyong registrants sa 2019 at 25 million sa 2020 at sa mga susunod pang taon.

Facebook Comments