Proper DTI, inirekumenda sa IATF-EID ang unti-unting pagtanggal sa ECQ

Imumungkahi ni Trade Secretary Ramon Lopez sa pulong ngayong araw ng Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) ang gradual o paunti-unting pag-lift ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez na sang ayon sila sa panukala ng business sector na gawin lamang gradual o moderate ang pagtatanggal ng ECQ.

Ayon kay Lopez, batay sa kanilang gagawing rekomendasyon sa IATF-EID, tanging ang mga negosyong may kaugnayan sa produksyon at manufacturing ng mga pagkain at iba pang essential goods ang papayagang makapag-operate muli.


Ibig sabihin ang mga manggagawa sa mga negosyong ito na may kinalaman sa pagpanatili ng supply chain ay papayagan na ring makalabas o makabalik sa trabaho pagkatapos ng April 14 o ang itinakdang pagtatapos ng ECQ, basta susunod pa rin sa bagong norm o ang tinatawag na physical distancing.

Ang mass gathering activities, ayon kay lopez, ay patuloy pa ring ipagbabawal sa oras na tanggalin na ang ECQ.

Facebook Comments