Muling ipinaalala ng pamahalaang lokal ng Bayambang sa publiko ang tamang pangangasiwa at pagtatapon ng basura upang mapanatili ang kalinisan sa pamamagitan ng nararapat na segregation.
Sa ibinahaging post ng LGU, ipinaalala ang pagtukoy sa mga non-bio at biodegradable na mga basura, mga residual waste, recyclables at special waste kung saan dapat na may hiwalay na lalagyan at makipag-ugnayan sa barangay o munisipyo upang mailagay sa pansamantalang containment area.
Dapat na maayos umano ang isinasagawang segregation upang mapakinabangan pa ang mga maaari pang mapangibangan.
Tinukoy din na naaayon sa batas ang paghihimay ng basura sa klasipikasyon nito at kaukulang responsibilidad ng barangay at lokal na pamahalaan para sa tamang disposal matapos makolekta.
Iginiit rin ang responsibilidad ng bawat isa sa komunidad sa pagtatapon ng basura upang tuluyang maging malinis at maayos ang kapaligiran.









