Isang propesor mula Georgia ang nagboluntaryog kargahin ang anak ng kanyang estudyante para makapag-aral ito ng maayos at makapagsulat habang nagkaklase.
Si Ramata Sissoko Cisse, isang assistant professor sa Biology sa Georgia Gwinnett College, ay pinasan ang bata sa kanyang likuran habang nagtuturo ito sa kanyang tatlong oras na anatomy class.
Ayon kay Cisse, gabi pa lamang raw ay tinawagan na siya ng kanyang estudyante at sinabing may sakit ang anak nito kaya’t kinakailangan niya umano itong isama sa klase kinabukasan.
Agad namang pumayag si Cisse at sinabing ang tiwalang ibinigay ng naturang mag-aaral ay nagbigay hudyat sa kanya na kailangan niya itong tulungan.
“It’s like a moral responsibility,” sabi niya.
Ngunit sa kalagitnaan ng klase ay nagkukukulit ang bata kaya nahirapan ang estudyanteng kargahin ito at hindi ito makapagsulat ng itinuturo ng naturang propesor.
Kaya nagpasya si Cisse na kunin ang bata para makapagconcentrate ito sa klase.
Inabot nito ang bata saka kumuha ng isang lab coat para itali ang bata sa kanyang likod.
Habang pasan ang bata sa kanyang likuran, agad naman itong nakatulog at naging tahimik ang buong klase.
Isang estudyante ang nagtanong kay Cisse kung bakit tila masarap ang pagkakatulog ng bata.
Pinaliwanag niya na ang init ng kanyang katawan ang nakakapagpa relax rito.
Matapos ang araw ay nagbigay ng pasasalamat ang estudyante kay Cisse.
“You’re welcome, I’ll always be there for you,” sagot naman niya.
Pahayag pa niya, ang pagtuturo niya ng siyensya ay parte lamang ng kanyang misyon na tulungan ang kanyang mga estudyante na maging handa sa pagharap sa totoong buhay.
“Love and compassion are part of the philosophy of my classroom,” giit niya.
Samantala, nagbahagi naman ng mensahe ang anak ni Cisse sa kanyang twitter account kung saan sinabi nitong,
“I’m so blessed to be raised by a woman who loves the world as much as her own children.”
my mom is my role model.
her student couldn’t find a babysitter today & being the true African mother that she is, taught a THREE hour class with the baby on her back & fed him.
I’m so blessed to be raised by a woman who loves the world as much as her own children. pic.twitter.com/6yuynJhuPw
— Annadote 💊 (@AnnaKhadejah) September 20, 2019