
Muling pinagtibay ng Philippine National Police (PNP) ang matatag nitong ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa gitna ng nagpapatuloy ng lehislatibong diskusyon kaugnay ng potensyal na pagre-restructure ng mga anti-drug units sa bansa.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., nagtitiwala ito sa Kongreso patungkol sa nasabing usapin at nakahanda ang PNP na magbigay ng inputs para pagbutihin ang anti-illegal drug campaign sa mas holistikong approach.
Sinabi ito ni Nartatez kasunod ng pagsusulong ni Senate Presidente Vicente “Tito” Sotto III para sa magbuo ng supervisory agency sa ilallim ng Office of the President na mag-uugnay at magmo-monitor sa mga ahensyang may mandato sa ilalim ng RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa mga awtoridad, hindi nito babawasan ang papel ng PDEA kundi layon lang nito na gawing mas maayos at episyente ang koordinasyon ng mga law enforcement agencies.
Tiniyak naman ni Nartatez na handa ang PNP na akuin ang mas malaking responsibilidad sa mga operasyon kontra droga sakaling maisabatas ang nasabing panukala.










