Manila, Philippines – Inaasahang mararatipikahan na bukas, February 08 ng Kongreso ang panuklang pambansang pondo para sa taong ito.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III – napagkasunduan nilang mga senador na plantsahin ang ilang nakapaloob sa budget.
Magpupulong ang mga miyembro ng bicameral committee na pangungunahan nina Senate Finance Committee Chairperson Loren Legarda at House Committee on Appropriations Chairperson, Camarines Sur Representative Rolando Andaya Jr.
Pagtitiyak pa ni Andaya – pagkatapos itong maratipikahan ay agad itong ipapasa kay Pangulong Rodrigo Duterte para malagdaan ito sa susunod na linggo.
Sa ngayon, ginagamit ng gobyerno ang reenacted budget matapos maantala ang pagsasabatas ng 2019 budget dahil sa mga alegasyon ng ‘insertions’.