Proposed 2019 budget, sa Lunes planong ipasa ng Senado

Manila, Philippines – Sa Lunes ay target ng Senado na tapusin na ang period of amendments para maipasa na sa ikalawang pagbasa ang panukalang pambansang pondo ngayong taon na nagkakahalaga ng mahigit 3.75 trillion pesos.

Sabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, dahil certified urgent ang budget ay maari nilang idiretso sa Lunes ang pagpasa dito hanggang sa ikatlo at huling pagbasa.

Inihayag ito ni Zubiri, makaraang matapos na ang period of interpellations sa proposed budget.


Alas-singko ng hapon sa Lunes ay inaasahan na maisasalang na rin sa bicameral conference committee ang budget upang sa Miyerkules ay maratipikahan na ito ng dalawang kapulungan upang maiakyat na kay Pangulong Rodrigo Dutere para lagdaan at agad maipatupad.

Facebook Comments