Proposed 2022 national budget, inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Duterte

30

Anumang araw mula ngayon, bago matapos ang 2021, inaasahang isasabatas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 2022 national budget.

Bago magpasko, matatandaang napirmahan na ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang national budget at ipinadala ang kopya nito sa Palasyo.

Matatandaang kabilang sa nilalaman ng panukalang ₱5.024 trillion 2022 budget ang nasa ₱188.3 billion pesos na pondo para sa Department of Health (DOH).


May probisyon din sa pagpapahintulot na magamit ang pondong nakalaan sa gamot at bakuna kontra COVID-19.

Kasama rin dito ang gagamiting pondo para sa pagresponde sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Facebook Comments