Proposed 2022 national budget, pipirmahan bukas ni Pangulong Rodrigo Duterte

76

Lalagdaan na bukas, December 30 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposed ₱5.024 trillion na 2022 national budget.

Ito ay ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles alinsunod na rin sa una nang ipinangako ng Malacañang na hindi matatapos ang taong kasalukuyan nang hindi napipirmahan ng pangulo ang pambansang pondo.

Matatandaan na binigyang-diin ng Palasyo na malaking papel ang gagampanan ng 2022 budget sa nagpapatuloy na pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.


Sa pinal na bersyong ipinasa ng Kongreso, ₱50 billion dito ang inilaan para sa COVID-19 vaccines habang ₱22.99 billion naman para sa pagpapaigting ng health facilities.

Una na ring tiniyak ng kalihim na pinagaralang mabuti at dumaan sa proseso ang budget, bago ito lalagdaan ng pangulo.

Facebook Comments