Tila hindi nakalaan para sa COVID-19 response ng bansa ang proposed 2022 national budget.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, makalipas ang higit isa’t kalahating taon na nararanasan ang pandemya ay parang hindi pa rin natututo ang gobyerno at nakadepende na lamang sa lockdown.
Aniya, dapat isa sa binigyang pansin sa deliberasyon ang roadmap para sa digital transformation kung saan nakapaloob ang usapin sa negosyo at ilan pang sektor gaya ng edukasyon.
Paliwanag pa ni Robredo, ang pangunahin dapat sa pondo na sa proyekto ng gobyerno ay para sa mabilisang pagpapatayo ng mga intensive care units (ICU) at hospital beds para sa mga posibleng susunod pang COVID-19 surge.
Magagamit din aniya ang mga ito sa pagbibigay ng sapat na bayad at benepisyo sa mga frontliners.