Proposed 2023 budget ng Office of the President, inaprubahan agad ng House Committee on Appropriations

Sa loob ng pitong minuto ay agad inprubahan ng House Committee on Appropriations ang nasa 9 bilyong piso na panukalang budget para sa tanggapan ng pangulo sa susunod na taon.

Nagmosyon si Majority Leader Mannix Dalipe na i-terminate ang budget briefing at aprubahan agad ang budget ng Office of the President bilang kortesiya sa ehekutibo na co-equal branch ng Kongreso.

₱6.87 billion sa budget ng tanggapan ng pangulo ay para sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE.


₱1.56 billion naman ang inilaan para sa personal services habang ₱590 million ang para sa capital outlay.

Nagpasalamat naman si Executive Sec. Vic Rodriguez sa mga mambabatas at nangako na kaisa ang Office of the President sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga Pilipino at nation building alinsundo na rin sa atas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Facebook Comments