LTO, humingi ng pang-unawa sa mabagal na transaksyon sa ilang tanggapan ng ahensiya

97

Nagpaliwanag ang Land Transportation Office (LTO) sa nararanasan ngayong pagbabagal sa sistema at mga transaksyon sa ilan sa mga tanggapan ng ahensya.

Ito’y habang inaalam ng mga eksperto sa teknolohiya ang pinagmulan ng problemang teknikal.

Makatitiyak umano ang publiko na ginagawan na ito ng solusyon.


Sinisiguro nito na sa lalong madaling panahon ay maibalik ang normal na operasyon.

Makakaasa ang publiko sa pagsisikap ng LTO na mapabuti ang serbisyo at nang maiwasan ang katulad na sitwasyon sa hinaharap.

Facebook Comments