Proposed 2023 budget ng OVP, mabilis na inaprubahan ng House Committee on Appropriations

Wala pang sampung minuto ay inaprubahan agad ng House Committee on Appropriations ang panukalang ₱2.3 billion na pondo ng Office of the Vice President (OVP) sa susunod na taon.

Mas mataas ito ng mahigit 200 percent sa 702 million pesos na budget ng OVP ngayong 2022.

Nagmosyon si House Minority Leader Marcelino Libanan na i-terminate na ang pagdinig para sa 2023 budget ng OVP, bilang kurtesiya sa bise presidente at gawin na lang ang interpelasyon sa plenaryo.


Sa briefing ng komite, ay personal na dumalo si Vice President Sara Duterte-Carpio at kanyang pinasalamatan ang suporta ng Kamara sa mga aktibidad at proyekto ng OVP.

Facebook Comments