Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang 2023 General Appropriations Bill o GAB na syang panukalang pondo sa susunod na taon na nagkakahalaga ng 5.268 trillion pesos.
289 na mga kongresista ang bomoto ng “Yes” o pabor sa panukalang budget, 3 ang “No” vote at 0 sa “abstention”.
Mabilis na naipasa ng Kamara ang House Bill 4488 o proposed 2023 budget sa loob ng isang araw matapos itong sertipikahang “urgent” ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Kaugnay nito ay bumuo ng isang small committee ang Kamara na siyang tatanggap ng individual amendments para sa proposed budget.
Binubuo ang komite nina Appropriations Committee Chairman Representative Zaldy Co at Senior Vice Chair Representative Stella Quimbo, kasama rin sina Majority Leader Manix Dalipe at Minority Leader Marcelino Libanan.