Proseso ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, tiniyak na magiging patas at hindi mamadaliin

Uumpisahan na bukas ng House Committee on Justice ang pagdinig sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Tiniyak dito ni Justice Committee Vice Chairman at Rizal Rep. Juan Fidel Nograles na hindi mahahaluan ng pulitika ang proseso ng impeachment laban sa mahistrado.

Aniya, silang mga kongresista ng Justice panel ay tatayong hukom at sinisigurong mananaig dito ang batas at masusunod ang proseso ng trial.


Bukas ay ilalatag muna ng komite ang rules at aalamin kung may sapat na ‘form’ at ‘substance’ ang reklamo laban kay Leonen.

Hindi pa naman pahaharapin sa pagdinig si Leonen at ang complainant na si Edwin Cordevilla, Secretary General of Filipino League of Advocates for Good Government.

Tiniyak pa ni Nograles na pag-aaralan nilang mabuti ang reklamo at magdedesisyon sila batay sa bigat ng mga ebidensyang isusumite sa Kamara.

Nahaharap naman sa reklamong betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution si Leonen dahil sa hindi pagsusumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) noong siya pa ay propesor sa UP-College of Law at ang hindi nito pag-aksyon sa mga hawak na kaso.

Facebook Comments