Proseso ng pagkuha ng pasaporte, dapat iklian at gawing mas madali para sa mga Pilipino

Manila, Philippines – Pinatitiyak ni ACTS OFW PL Rep. John Bertiz na ngayong ganap na batas na ang 10 year validity ng pasaporte ay sunod na padaliin ang proseso sa pagkuha ng passport.

Hiniling ni Bertiz na iklian ang processing time sa pagaasikaso o pag-a-apply ng pasaporte at ayusin ang passport appointment system.

Kadalasan na natatagalan ang isang aplikante sa pagproseso ng kanyang pasaporte dahil sa napakatagal na appointment sa pagkuha nito.


Tiniyak ni Bertiz na may-akda ng nasabing batas na kanyang babantayang mabuti ang DFA sa pagpapatupad nito.

Umaasa naman si Pampanga Rep. Gloria Arroyo, may-akda din ng batas sa Kamara, na mas naisaayos na ang karapatan sa pagbyahe ng mga Pilipino dahil sa extension ng validity ng pasaporte.

Ang dating 5 years na validity ng passport ay napakaikli at pahirap sa mga Pilipino lalo na’t ang pagpoproseso ng pasaporte ay hindi basta-basta at may kamahalan lalo na sa hanay ng mga OFWs.

Facebook Comments