Proseso ng pagkuha ng permit ng infrastructure projects sa bansa, nais pasimplehin ni PBBM

Nais pasimplehin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkuha ng permit at proseso ng mga infrastructure flagship projects (IFPs) para mapabilis ang implementasyon ng mga ito.

Batay sa Executive Order No. 59, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangang mapalawak at ma-update ang imprastraktura para sa pagbabago sa ekonomiya at pag-unlad ng bansa.

Ang kautusan ay ibinaba ng pangulo para sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, LGUs, at government owned-and controlled corporations na nagpapalabas ng mga lisensiya, clearances, permits, certifications o authorization na kailangan para maaprubahan ang IFPs.


Nabatid na sa kasalukuyan ay mayroong 185 IFPs na inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Samantala, magiging epektibo naman ang kautusan matapos mailabas sa Official Gazette o sa mga pahayagan.

Facebook Comments