Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na magiging mabilis ang Senado sa pagtalakay sa ₱5.268 trillion 2023 national budget.
Kasabay ng pagtanggap ng Kamara ay natanggap na rin noong Lunes ng Senado ang kopya ng 2023 National Expenditure Program (NEP), ang unang latag na budget ng economic team ng administrasyong Marcos.
Ayon kay Zubiri, magiging mabilis ang paghimay ng Senado sa panukalang pondo sa susunod na taon dahil kakaunti lang ang itinaas nito sa ₱5 trillion na budget ngayong 2022 na nasa 4%.
Hindi rin inaasahan na magkakaroon ng maraming pagbabago sa pondo sa 2023.
Batay sa schedule ng Kamara ay sa Setyembre sila matatapos ng paghimay sa 2023 budget kaya sa Oktubre ito maipapadala sa Senado.
Facebook Comments