Pinakamataas na bilang ng bagong namatay sa COVID-19 simula May 1, naitala ng DOH; aktibong kaso ng sakit, bumaba sa 30,240

54

Naitala ng Department of Health (DOH) ang pinakamataas na bilang na nasawi dahil sa COVID-19 matapos makapagtala ng 50 COVID-19 related deaths.

Dahil dito, pumalo na sa 61,476 ang kabuuang bilang ng nasawi sa naturang virus.

Kaugnay nito, nakapagtala naman ang DOH ng 3,580 na bagong kaso ng COVID-19 dahilan para umakyat sa 3,864,034 ang nationwide COVID-19 tally sa bansa.


Sa naturang bilang, 1,212 dito ay mula sa National Capital Region (NCR).

Sa kabilang banda, bumaba pa lalo ang aktibong kaso ng sakit sa 30,248, pinakamababa simula July 28 matapos makapagtala ng 4,749 na bagong gumaling sa sakit.

Facebook Comments