Manila, Philippines – Sa Miyerkules, sisimulan nang balangkasin ng government peace panel ang formal notice of termination ng peace talk sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF.
Kapag natanggap na ng NDF panel ang sulat, may 30 araw pa bago maituring na opisyal nang kanselado ang usapang pangkapayapaan.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Silvestre Bello III – kasabay nito, mawawalan na rin ng bisa ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).
Ang JASIG ay ang kasunduan na nagpapahintulot sa mga NDF consultant na makadalo sa peace talk gaya ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamson.
Sa kabila nito, buo pa rin ang pag-asa ni Bello na maipagpapatuloy pa rin ang peace talk.
Pagkatapos isilbi ang notice of termination, balak daw niyang kausapin ang pangulo tungkol dito.