Pinabibilisan ng kumpanyang Huawei sa mga korte sa Amerika ang proseso para ibasura ang pag-blacklist at trade ban na ipinatupad ng Trump administration.
Kasunod ng paghahain ng Motion for a Summary Judgment, iginiit ni Huawei Top Legal Officer Song Liuping na walang kahit anong ebidensya ang US sa mga akusasyon nito na sila ay banta sa seguridad.
Aniya, ang ipinatupad ding trade ban ay makakaapekto sa maraming American companies at malalagay sa alanganin ang libu-libong manggagawa.
Bukod pa ito sa epekto ng desisyon ng US sa higit 3 bilyong Huawei consumer sa higit 170 bansa.
Magugunitang isinailalim ng Amerika ang Huawei sa blacklist at trade ban dahil sa umano’y banta sa seguridad ng mga produkto nito at ginagawang pag-eespiya na China.
Facebook Comments