Proseso para sa Special Election, Tinalakay!

Cauayan City, Isabela – Ibinahagi ni Engr. Corazon Toribio, CESO V, Provincial Director ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga proseso para sa isasagawang special election ng mga SK Kagawad.

Ayon kay Engr. Toribio, marami pa sa mga barangay ang kulang sa SK Kagawad dito sa ating rehiyon.

Aniya, kinakailangan munang makipag-ugnayan ang SK Chairman sa DILG at Comelec Officer at kanyang pupulungin ang mga katipunan ng mga kabataan upang magparehistro sa kanilang SK Secretary o Brgy. Secretary upang maging ganap na botante sa lugar.


Dagdag pa ni Engr. Toribio, dapat na ipaalam sa mga kabataan ang mga bakanteng posisyon at kinakailangang nakapaskil ito sa mga nakatalagang lugar.

Nasa 15-30 taong gulang ang mga kwalipikadong botante para sa Sangguniang Kabataan, habang nasa 18-24 anyos naman para sa mga tatakbong opisyal.

Samantala, isang dahilan anya kaya nababakante ang posisyon sa mga SK officials ay dahil na rin sa nasa working age na ang mga ito at mas nagiging praktikal na ang iba na mas pinipili ang ibang trabaho.

Facebook Comments