Prostitusyon sa POGO industry paiimbestigahan ng palasyo

Tiniyak ng Malacañang na pai- imbestigahan nito ang sinasabing kabi- kabilang kaso ng prostitusyon sa Metro Manila.

 

Kasabay ito ng pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations, and gender equality na layuning siyasatin ang prostitution rings, sex trafficking, at ulat ng pang-aabuso sa mga kababaihan ng mga manggagawa sa Philippine offshore gaming operators (POGO) industry.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailangang gumawa na ng hakbang ang pamahalaan kaugnay dito.


 

Dapat na aniyang kumilos upang wakasan ang prostitusyon at mapanagot sa batas ang mga indibidwal na dawit sa iligal na gawain.

 

Kaugnay nito, sinabi rin ng palasyo na ang Philippine National Police ang mangunguna sa ikakasang imbestigasyon.

 

Una nang isinawalat ni Senadora Risa Hontiveros na ilang massage o spa facilities ang ginagamit bilang Chinese prostitution den sa Metro Manila at Karaniwan itong tinatangkilik ng mga POGO workers.

Facebook Comments