Manila, Philippines – Pasisinayaan mamaya ng Department of Environment and Natural Resources at ng United States Agency for International Development o USAID ang tinatawag na Protect Wildlife Project, ang bagong biodiversity conservation project ng bansa.
Inaasahan na dadaluhan at magbibigay ng mensahe sina DENR Secretary Gina Lopez at US Ambassador Sung Kim.
Ang Protect Wildlife Project ay limang taon ng proyekto na tutugon sa unti unting nalalagas na kalikasan at talamak na wildlife trafficking sa Pilipinas
Ibabahagi rin sa naturang okasyon kung papaano pangangalagaan ang ating kalikasan upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang lokal na komunidad.
Malaking tulong ang naturang proyekto upang makilala at maipagmalaki ang ganda ng kalikasan sa bansa.
Facebook Comments