Nagpahayag ng suporta ang ilang sikat na personalidad para kay Pasig City Mayor Vico Sotto matapos pagpaliwanagin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang alkalde sa umano’y paglabag sa Bayanihan to Heal As One Act.
Nagkaisa ang Kapamilya at Kapuso stars, maging ang mga naglalakihang pangalan sa entertainment industry, sa pagbatikos sa naturang hakbang ng NBI.
Narito ang mga artistang naglabas ng kanilang hinaing:
Hindi ako nag mamarunong sa batas, pero sa opinyon ko, si Koko ang dapat ipatawag at hindi si Vico
— Angel Locsin (@143redangel) April 1, 2020
Busy po siya. Bakit hindi nalang si Senator Koko Pimentel ang ipatawag ninyo? Or yung isang Mayor, marami daw po kasi naghahanap sakanya. https://t.co/kcNdSvd5Qw
— 🌺JANINE (@janinegutierrez) April 1, 2020
Wala silang mapag initan. Si mayor vico talaga? Kung sino pa may natutulong at maayos na sistema, siya pa kakasuhan? HANEP! Eh nasan na yung nagkalat ng virus sa makati med? So far kasi yun palang nagagawa niya. Ikalat ang virus. Mapapamura ka na lang pala talaga.
— Angelica Panganiban (@angelica_114) April 1, 2020
Sayang. May taong tumayo na at gumalaw para sa mga tao. Pinapaupo ulit. #protectvicosotto https://t.co/OymjeaqNpW
— Bela Padilla (@padillabela) April 1, 2020
nabuang na https://t.co/lAVfywDDh1
— JULIE ANNE SAN JOSE (@MyJaps) April 1, 2020
Kung sino pa yung maayos magtrabaho (at mahal na mahal ng mga tao), sa panahong kelangan na kelangan nila ng maayos at matino na namumuno sa lugar nila…biglang may mga gustong umepal.🙄 https://t.co/BLCnZZafMd
— Chito Miranda (@chitomirandajr) April 1, 2020
Like what?????!!!! Yoko na!!!! Ang hirap sa ph govt, pag gumawa ka ng mabuti sa kapwa mas nakakataas ang makakabangga mo, pag gumawa ka ng hindi mabuti kaming mga netizens lang ang kalaban mo at ang nakakataas ay 🤐🤐🤐🤐 https://t.co/D3UmQZXy5K
— kim chiu (@prinsesachinita) April 1, 2020
Republic of the Flips (it and reverse it), where bad behavior is rewarded.
— Pia Magalona⁷ (@piamagalona) April 1, 2020
There are so many distractions. There is only one enemy now… #COVID19. Can't we all just get along and face this battle as one? #WeHealAsOne
— Daphne Oseña Paez (@DaphneOP) April 1, 2020
Like, seriously? Is it because he makes everyone else look bad at their supposed job?! Unbelievable. Pwede ba kayong magpaka busy sa ibang bagay?! Busy si Mayor. Tantanan nyo naman sya, please! Dami pa nyang gagawin. #OnlyInThePhils #ProtectVico pic.twitter.com/erOaKIpfHZ
— zsa zsa padilla (@zsazsapadilla) April 1, 2020
#ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico #ProtectVico PLS RT
— zsa zsa padilla (@zsazsapadilla) April 1, 2020
Partikular na kinukuwestyon ng NBI ang umano’y pagpayag ni Sotto na magpatuloy ang operasyon ng mga tricycle sa kanyang nasasakupan, sa kabila ng pagsususpinde ng pampublikong transportasyon habang umiiral ang enhanced community quarantine.
Paliwanag naman ng mayor, iminungkahi niya ito para sa mga frontliner at pasyenteng kailangang bumiyahe.
Dagdag pa niya, hindi rin ito natuloy dahil sinunod niya ang pasya ng national government na bawal ang tricycle, na nangyari bago pa maisabatas ang Bayanihan Act.
Nanatiling top trending sa Twitter worldwide ang #ProtectVico dahil sa pag-alma ng netizens sa ginawa ng NBI.