PROTEKSYON | Isinusulong na Civil Union, magbibigay proteksyon sa mga pinapakasalan dahil sa yaman

Manila, Philippines – Binigyang diin ni House Speaker Pantaleon Alvarez na proteksyon ng bawat indibidwal ng mga nagsasama bilang mag-asawa ang ibinibigay ng kanyang isinusulong na civil union.

Katwiran ni Alvarez, marami ngayon ang nagpapakasal pero kalaunan ay maghihiwalay din.

May iba pa din aniya na pinapakasalan lamang ang isang tao dahil sa pera o yaman kahit na hindi maganda o gwapo at basta na lamang iiwan.


Layon ng kanyang panukala na “Institutionalizing Civil Union” na proteksyunan ang pagmamay-ari ng bawat tao at magkaroon ng kasunduan pagdating sa pera at iba pang property ng mga ito na hindi basta-basta paghahatian tulad sa Conjugal Rights ng ibang mga mag-asawa.

Inihain noong nakaraang taon ni Alvarez ang panukala na layong gawing ligal ang pagsasama ng mga heterosexual couples at LGBT couples.

Facebook Comments