PAGPAPALAWIG NG TERMINO | Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, umalma

Manila, Philippines – Manila, Philippines – Bagamat nilinaw na ni President Rodrigo Duterte na gusto niyang bumaba agad sa puwesto, naniniwala naman Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura na magtatapos sa bandang huli sa pagpapalawig sa kapangyarihan ni Duterte ang itinutulak na term extension.

Ayon kay UMA Secretary General John Milton Lozande, ang balak na transitory period sa pagpapalit ng porma ng sistema ng gobyerno ay pantakip lamang sa tunay na layunin na palawigin sa kapangyarihan si Duterte.

Hindi aniya umaalma ang Congress dahil inaakala nila mapapanatili ang kanilang pulitikal at pang-ekonomiyang interes sa ilalim ng itatatag na sistema.


Dahil dito, tatapatan ng grupo ang gagawing referendum sa Mayo patungkol sa federalismo ng pagsasagawa ng mga issue based campaigns sa buong bansa.

Facebook Comments