Proteksyon laban sa diskriminasyon sa mga kababaihan, pinatitiyak sa ilalim ng expanded maternity leave law

Manila, Philippines – Pinatitiyak ni Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez na mabibigyan ng proteksyon ang mga kababaihan laban sa diskriminasyon matapos na pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Expanded Maternity Leave Act.

Giit ni Romualdez, hindi dapat gamitin na dahilan para i-discriminate ng mga employers at sa mga trabaho ang mga kababaihan dahil sa pagpapalawig ng maternity leave sa 105 araw mula sa dating 60 araw para sa normal delivery at 78 araw para sa caesarian delivery.

Iginiit ng kongresista na kinikilala ng Konstitusyon ang papel ng mga kababaihan sa nation-building at pagkakapantay-pantay.


Umapela din ito ng tulong na labanan ang anumang diskriminasyon sa mga kababaihan na may kinalaman sa pagkakapasa ng batas.

Samantala, nagpasalamat naman si House Deputy Speaker Pia Cayetano sa pagpirma ni Pangulong Duterte sa batas para kilalanin ang papel ng mga kababaihan bilang bahagi ng workforce at bilang mga ina.

Facebook Comments