Apela ng Philippine Federation of Professionals sa pamahalaan na baguhin ang magna carta for healthcare workers.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Federation of Professionals Vice President Dr. Benito Atienza na ngayong isinusulong ng gobyerno ang patas na deployment ng mga doctor at nurse sa iba’t ibang panig ng bansa, lalo silang dapat binibigyan ng mas marami pang benepisyo.
Dagdag pa ni Atienza, dapat lang naman talaga na iprayoridad ng pamahalaan ang healthcare workers para higit silang mabigyan ng proteksyon.
Napapanahon na aniyang maipantay sa sweldo sa abroad ang sweldo rito sa bansa ng mga healthcare workers dahil kung hindi ay mawawalan tayo ng mga doctor at nurse sa bansa.
Facebook Comments