PNP, tumanggap ng donasyon mula sa PCSO

Aabot sa ₱11-M na halaga ng donasyon ang tinanggap ng Philippine National Police (PNP) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, gagamitin ang pondo sa pagpapalakas ng healthcare program ng PNP.

Ilalaan aniya ito sa PNP Health Service para sa pag-upgrade ng kanilang mga kagamitan.


Pambibili rin ito ng mga gamot para sa mga pulis at kanilang mga dependents.

Samantala, sinabi naman ni Azurin na puspusan pa rin ang kanilang kampanya laban sa iligal na sugal.

May atas aniya sya sa lahat ng kanilang mga commander na i-monitor ang kanilang nasasakupan at nananatili paring umiiral ang one strike policy kung saan sisibakin sa pwesto ang mga pabayang commander.

Facebook Comments