Proteksyon ng mga katutubo at responsableng pagmimina, pagsasamahin ng Lacson-Sotto tandem

Inihayag nina presidential aspirant at Senador Panfilo Lacson at vice presidential aspirant at Senate President Vicente Sotto III na bibigyang prayoridad ng kanilang tambalan ang paglikha ng espesyal na programa at paglalaan ng pondo para sa pangangalaga ng kalikasan at mga Indigenous People na lubhang apektado ng iresponsableng pagmimina.

Ayon kay Lacson, sa kanilang pagbisita ng kanyang running mate sa Baguio City ay tinanong sila kung ano ang kanilang paninindigan sa industriya ng pagmimina kung saan kilala ang lungsod at ang probinsya ng Benguet.

Ayon kay Lacson, suportado niya ang pagmimina basta’t responsable ang mga kompanya na nagsasagawa nito.


Naniniwala siya na bagama’t tila mabagal ang pag-unlad ay makatutulong pa rin ang industriyang ito sa pag-ahon ng ating ekonomiya mula sa epekto ng pandemya ng COVID-19.

Paliwanag ni Lacson, hindi dapat tingnan na lubusang masama ang industriyang ito at nararapat lamang na hindi maisantabi ang grupo ng mga katutubo dahil sila ang direktang naapektuhan ng pabayang pagmimina kung saan sakaling manalo siya ay hihigpitan niya ang mga small-scale miner na may malalaki nang kagamitan na nagreresulta sa pagkawasak ng kalikasan.

Giit ng Lacson-Sotto Tandem na nag-uugat ito sa katiwalian na hinahayaan ang mga iligal na minero na humakot ng ginto, pilak, tanso at iba pang mineral.

Facebook Comments