Tambalang Lacson-Sotto, ikinagalak ang pagsigla ng negosyo sa Baguio City

Ikinatuwa nina Presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson at Vice Presidential candidate Vicente ‘Tito’ Sotto III na muli nang sumisigla ang lungsod ng Baguio at dinarayo dahil sa malamig nitong klima.

Ayon kina Lacson at Sotto, nagulat sila nang makitang sumigla na ang negosyo kung saan lumalakas na rin ang turismo dahil dinarayo ng iba’t ibang lugar para lamang masilayan ang ganda ng Baguio.

Paliwanag ng Tambalang Lacson-Sotto na halos lahat ng kanilang nakakausap na turista ay napapahanga sa ganda ng Baguio kung saan ay napakadisiplinado ng mga residente.


Giit nila na bahagi rin ng kanilang pagdalaw sa Baguio City ay pagsusulong nila na tangkilikin ang sarili nating mga produkto at ang maliliit na negosyante na unti-unti nang bumabangon mula sa epekto ng pandemya ngayong isinailalim na sa Alert Level 2 ang mas maraming lugar sa bansa.

Facebook Comments