Tinututukan ng Department of Trade and Industry (DTI) – Ilocos Sur ang proteksyon ng mga senior citizens at persons with disabilities sa pamamagitan ng “Saluad Sektoral for Senior Citizens and Persons with Disabilities” na isinagawa bilang bahagi ng selebrasyon ng World Consumer Rights Day 2026.
Layunin ng programa na palakasin ang kaalaman at proteksyon ng mga senior citizens at PWD sa kanilang mga karapatan bilang konsumer, tamang paggamit ng benepisyo, at kaligtasan sa mga produktong kanilang binibili.
Tinalakay sa aktibidad ang mga mahahalagang paksa tulad ng consumer rights at responsibilities, product standards and safety, Expanded Senior Citizens Act of 2010, Expanded Benefits and Privileges of Persons with Disabilities, at special discounts para sa PWD at senior citizens sa pagbili ng basic necessities at prime commodities.
Iginiit ng DTI Ilocos Sur ang kanilang patuloy na dedikasyon sa pagpapalakas ng consumer welfare at pagbibigay ng kaalaman sa mga mahihinang sektor upang makalahok sa merkado nang ligtas at may kumpiyansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








