Proteksyon ng mga manggagawa sa gitna ng pandemya, iginiit ng labor group sa selebrasyon ng ika-35th anniversary ng EDSA People Power

Nanawagan ngayon sa gobyerno ang Buklurang Manggagawang Pilipino na proteksyonan ang labor sector sa gitna ng pandemya.

Nagtipon-tipon ngayon ang BMP sa People Power Monument kasabay ng paggunita ng 35th anniversary ng EDSA People Power.

Ayon sa grupo, higit sa pangangailangan sa bakuna, tunay na pagkalinga ang inaasahan ng labor sector.


Dapat umanong makinabang din ang mga manggagawa sa bilyon-bilyong pisong inuutang ng gobyerno para makabangon ang bansa sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Giit ng grupo, sa halip na mga negosyanteng apektado ng resesyon ang buhusan ng tulong, mga manggagawa na nawalan ng kabuhayan ang kailangang ayudahan.

Sinabi ng grupo na makalipas ang tatlumpu’t limang taon, pinaasa lang ang mga manggagawa.

Nananatiling bigo ang mga pangako na sabay na magbabago ang buhay ng mga maliliit na manggagawa.

Facebook Comments