BAI, pinawi ang pangamba ng publiko sa pagkain ng karneng manok

62

Nilinaw ng Bureau of Animal Industry (BAI) na hindi pa nakakarating sa bansa ang bird flu sa Russia.

Ayon kay BAI Officer-in-Charge Dr. Reildrin Morales, wala pang dapat ikabahala ang publiko kung kaya’t ligtas pa ring kumain ng manok.


Kahit aniya sa migratory bird ay walang nade-detect na strain ng H5N8.

Patuloy ang pagbabantay ng Department of Agriculture (DA) upang mapanatiling bird flu-free ang Pilipinas.

Naka-monitor din ang DA at Department of Health (DOH) sa sitwasyon ng H5N8 bird flu strain sa Africa, China, Europe at Middle East.

Facebook Comments