Mas pinag-iigting ngayon ang proteksyon ng mga kabataan sa bayan ng San Nicolas pagkatapos maisagawa ang pagpupulong na naglalayong maipatayo ang isang federation na siyang magtatakda ng mga programa at proyekto para sa mga kabataan, bigyan ng kapangyarihan at maturuan maexercise ang kanilang karapatan.
Alinsunod ito sa pagsugpo ng mga kasong pang-aabuso na maaaring mangyari kaya naman ay puspusan ang hakbanging isasagawa upang makapagbigay kaalaman para sa kabataan ang kanilang sariling karapatan at kung paano na sila mismo ay may kakayahan nang maprotektahan ang kanilang mga sarili.
Binigyang diin ang RA 7610 o kilala bilang “An act providing for stronger deterrence and special protection against child abuse, exploitation and discrimination” na malakas na susuporta sa nasabing adhikain ng lokal na pamahalaan dito. |ifmnews
Facebook Comments