Proteksyon sa aspiring athletes ng bansa, ipasisilip ng Senado

Pinag-aaralan ni Senate Committee on Sports Chairman Christopher Bong Go na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa ibinibigay na proteksyon sa aspiring athletes sa bansa.

Kaugnay na rin ito insidenteng nangyari sa Jesus Is Lord Colleges Foundation, Inc. sa Bocaue, Bulacan kung saan isang 17 taong gulang na babaeng Taekwondo athlete na baguhan pa lang ang isinabak sa sparring session laban sa isang lalaking black belter.

Dahil sa sparring session na ito ay nagtamo ang babae ng mga sugat sa katawan at pamamaga ng mukha dahil sa tinamong bugbog mula sa black belter.


Ayon kay Go, plano niyang ipasilip sa Senado ang insidente para repasuhin at amyendahan ang batas sa sports lalo na sa pagpapataw ng mas mahigpit na parusa sa mga ganitong pangyayari.

Palalagyan din ng senador ng safety mechanism ang batas upang mas maprotektahan ang mga nag-aasam na atleta laban sa mga ganitong pagmamalabis at abuso.

Facebook Comments